Remembering my Dad
Tomorrow is
the feast day of St. John the Baptist. Araw ng
San Juan.
In many
places where San Juan is the patron saint, people go
around throwing dipperfuls of water
on each other. It’s a very wet event, albeit
a merry one.
So, I am
choosing to remember the merry days I had with my father. This is because, I
think, it was primarily my father who filled me with love when I was very young,
and now that love is still overflowing from me and had spilled to various areas
of my life.
You see… I
was born in San Juan – in Erap country.
Erap, also known as former President Joseph Estrada, looks like my dad and just
as charming.
Fortunately,
my dad, unlike Erap, didn’t share any of his vices. He neither smoked, drank hard liquor (just a
beer or two on very select occasions), or had mistresses left and right. He was
a very dedicated husband and father.
[Incidentally,
I was baptized in historic Pinaglabanan Church, which may have influenced my
interest in Philippine History and, consequently, my involvement with other
rebellious youth in my college years. But I digress…]
We lived
in F. Santos St. (located
perpendicular to Gilmore Avenue and just beside Broadway Centrum, home to a lot
of GMA TV shows from the early 80’s and even up to now such as That’s
Entertainment, GMA Supershow, Eat Bulaga and Kuya Germs’ Walang Tulugan! –
nangarap din akong maging artista noon hehehe..) from the time I was born up to
when I turned 6 years old, when my dad had already been working in Saudi Arabia
for a year and our family was finally able to afford to buy our own house.
I was
undoubtedly the apple of the eye of my father. I was his favorite, being his unica
hija. Hence, I was a ‘lil spoiled. I almost always got what I want or asked
for. I adored my dad and he, in turn,
showered me with much love and attention. I felt like a princess and I thought
I was the cutest and smartest girl in the whole world because he made me feel
so.
We always
went to Luneta for Sunday picnics when I was around 3-4 years old. My grandma, my mom’s mother, was staying with
us at that time plus 2 other cousins, so each of us (my 2 younger brothers and
I) had someone to look after us when both of my parents were at work.
My dad
would borrow the hi-ace van from his boss on weekends and we would spend the
whole day just eating, playing around, running all over the place at the Luneta Park . I remember that my younger
brother, Alan, almost got lost one Sunday and we were all panicky and sick with
worry because it took a couple of hours to find him. Because of that, I became
Dad’s appendage. I always clung to him
whenever we were at the Luneta or at church. I feared getting lost and being
picked up by strangers, never to see my parents again.
During
weekdays, he would always make sure that he would bring us pasalubong if he
came home late from work. Jollibee or McDonald’s hamburgers were a favorite, as
well as siopao asado and barbecue.
We loved
to eat as a family. And we would always
make it a point to eat out whenever there’s a special occasion like birthdays,
first communions, anniversaries, etc.
Fast forward to
today.
My dad is
now deceased. He passed away 2 years ago, on
March 6,
2006.
And yet,
he continues to be an inspiration to me. Despite many years of not seeing eye
to eye, occasional hurtful exchanges and years of pent up anger and resentment
during my turbulent teenage years, I have learned to forgive him and myself for
all our short-comings.
So now, I
am choosing to acknowledge the big contribution he had in my life – and that no matter what had happened, I will always be Daddy’s little girl.
Below is
the inspirational speech I delivered
at the graduation ceremonies of the students in the Daycare Center of Calauit
Island, Northern Palawan last March 16.
____
Magandang
hapon po sa inyong lahat: Chairman Fidel Mondragon, mga opisyal ng Balik
Calauit Movement, G. Aliot Vergara at mga opisyal ng Saragpunta, mga opisyal ng
PTCA, at ng PTA sa pangungunguna ni Gng. Victoria Mued, mga kapwa kong guro, at
sa mga magulang at estudyanteng naririto ngayon.
Isang
malaking karangalan po ang maimbitahan upang magbigay ng inspirational speech
sa inyo at maging bahagi ng okasyong ito.
Ngayong hapong
ito, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang isa sa mga pina-importanteng tao sa
buhay ko. Isa po siya sa mga dahilan kung bakit pinangarap kong makapagturo
noong akoy’y 5 taong gulang pa lamang. Siya po ang aking ama, si G.
Elpidio M. Ranido.
My Dad
had me when he was already 39 years old. Medyo late na po kasi sila nag-asawa –
twenty-seven ang nanay ko, 38 years old naman ang tatay ko noong ikasal
sila. I am their eldest child, panganay
po, at nag-iisang babae sa 3 magkakapatid.
Lumaki po
akong daddy’s little girl. Kaya naman nung nagdesisyon ang tatay ko na
magtrabaho sa Saudi Arabia dahil sa lumalaki na na aming
pamilya, talaga pong ikinalungkot ko iyon ng husto.
I was 5
years old at that time, 1982. Kinder 1
po ako noon, ka-edad niyo ako – yung mga nasa day care. Noong araw,
bukod sa tumba-lata (tumbang preso) at tubig-tubigan (patintero),
ang paborito kong laro ay titser-titseran. May maliit akong blackboard sa bahay at
kadalasan ang tatay ko ang aking estudyante. Tinuturuan ko siya ng ABC.
Grade 4
lang po kasi ang natapos ng tatay ko. Naabutan po siya ng giyera – World War 2 –
kaya hindi na siya nakapagpatuloy sa pag-aaral. Sa edad na 13 years old, kinailangan niya nang maghanap-buhay dahil sa
napakarami niyang kapatid.
Kaya’t
ang pangarap niya para sa aming mga anak niya ay makapag-tapos kaming lahat ng
kolehiyo at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Ayaw niyang maranasan namin ang mga hirap na
dinanas niya, nila ng nanay ko nung lumalaki sila. Both my parents came from
humble backgrounds. Working student po ang nanay ko mula 1st year HS
hanggang makapagtapos ng kolehiyo.
Natupad
naman po iyon. Sa awa ng Diyos, lahat kaming magkakapatid ay nakatapos at
maayos naman ang buhay sa ngayon.
Kung
meron pong mahalagang naituro sa akin ang aking aking ama, yun po ay ang
pagiging bukas-palad, matiyaga, at
masakripisyo.
Hindi po
birong magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa iyong pamilya. Bukod sa dapat mapagtagumpayan mo ang
lungkot, kailangan ding madiskarte ka. Noong nasa Saudi po ang tatay ko, bukod
sa kanyang regular na trabaho bilang driver sa ospital, meron din siyang 4-5
sideline. Nagbebenta siya ng tubig
(hirap din po sila sa tubig doon tulad natin ditto sa Calauit! :D), ng alahas
(maraming ginto doon!), nagdedeliver siya ng door-to-door packages sa mga kapwa
niyang Pinoy OFWs doon, nagwe-waiter sa restaurant (taga-kuha ng order at taga-hugas ng
pinggan), at nagpapa-renta ng betamax tapes! Lahat ng trabahong pwedeng pasukan para lang madagdagan ang maipapadala
niya sa amin, ginawa niya. Wala siyang
pili – basta legal at marangal.
Sampung
taon pong nagtrabaho ang tatay ko sa Saudi. Kada-2 taon lamang siya kung umuwi at 1 buwan lang ang bakasyon. Kaya
naman bukod sa mga sulat, nagpapadala din siya ng voice tapes. Cassette pa po ang uso noon, wala pang CD at MP3!
Pero
hindi ako nakuntento dito. Natuto akong gumawa ng sarili kong cards para sa
lahat ng okasyon: Birthday, Valentines, Christmas, Father’s Day etc. Masipag rin akong sumulat sa kanya at
magpapadala ng listahan ng mga hiling kong laruan, damit, sapatos, at tsokolate.
Pag
nagrerecord kami ng mommy ko at ng mga kapatid ko ng voice tapos, lagi akong
may kanta o tula na inaalay sa tatay ko kaya naman
talagang nagging paborito niya ako.
Kaya’t
kung may pasasalamatan man ako sa aking husay sa pagsusulat iyon ay ang aking
ama. Pangalawa na lang si Tatang Ricky (Lee) na itinututing kong mentor at
ikalawang ama.
Dahil sa
tatay ko, na ang palayaw ay Pidyong dito sa Pinas pero “PJ” noong nasa Saudi na,
natuto akong magsulat at na-train kong maigi ang aking sarili na magpahayag ng
aking mga saloobin at damdamin dahil gusto ko, kahit na nasa malayo si Daddy,
hindi niya maramdaman na malayo ang loob namin sa kanya.
Two weeks
ago, nagtetext po ako sa may sementeryo nang bigla kong maaalala ang tatay ko.
March 2 yon, Sunday. Apat na araw nalang
kasi, 2nd death anniversary na niya. Naisip ko tuloy bigla, “proud kaya kaya siya sa akin para sa mga naging
desisyon ko sa buhay ko?”
Isa-isa
nanag natutupad ang mga pangarap ko. Isa
na diyan ang pagiging isang guro. Pero marami pa akong pangarap na gusting
abutin. : gusto ko pang makagawa ng pelikula, mag-arala sa ibang bansa,
makapagturo sa may kapansanan tulad ng bulag at pipi/bingi. Gusto kong
makarating sa Africa at maging volunteer para sa UN.
Kada
taon, nadadagdagan ang mga pangarap ko kasi natutupad naman yung ibang nasa
listahan. Parang yung mga hiling ko kay daddy noon. Na unti-unti naibibgay niya sa
akin at sa aming magkakapatid.
Namiss ko
tuloy si dady. Kasi siya ang pinaka-masugid kong taga-hanga. Kahit kelan hindi
ako nakarinig sa kanya ng masasamang salita, ng pangungutya. Hindi niya ako
pinintasan kahit minsan. Lagi lang
siyang andyan para makinig, magpaalala at sumuporta.
Sigurado
ako na natutuwa siya na nandito ako sa Calauit ngayon. Dahil kahit mahirap ang trabaho, ang pagiging
guro, hindi ako sumuko. Dahil dito,
natutunan ko ang mas simple at tahimik na pamumuhay. At higit sa lahat, ang pagsasakripisyo –
kakailanganin ko ito baling araw kung saka-sakaling palarin akong makapag-asaw
at makabuo ng sariling pamilya.
Ngayon,
nadiskubre kong kaya ko palang gawin ang mga bagay na sa una ay mahairap at sa
akala ko’y hindi kaiga-igaya. Pero
makakabuti para sa aking kapwa, at sa mga susunod na henerasyon.
Bilang
magulang, hindi naman natin maibibigay sa ating mga anak ang isang magandang
bukas. DAHIL SILA ANG GAGAWA NOON PARA SA SARILI NILA. Ang maari lang
natin gawin ay bigyan sila ng maraming pagkakataon para matuto at mapahusay ang
kanilang mga kakayahan at kasanayan, para mapaunlad ang kanilang pagkatao.
Dito
pumapasok ang pagiging isang MABUTING
HALIMBAWA.
Tungkulin
ng isang magulang, kami din bilang mga guro na tuma-tayong magulang kapag nasa
eskuwelahan ang mga anak niyo, na magpakita ng mabuting halimbawa. Dahil mas
natututunan ng mga bata yung nakikita nila sa ating mga mas nakakatanda sa
kanila, kaysa yung sinasabi at tinuturo natin.
Kaya’t sana ay sikapin nating maging INSPIRASYON para sa kanila.
Nagyaong
araw na ito ay graduation ng ating mga anak (atin daw o!). Ngaunit hindi lang
ito isang pagtatapos, bagkus, ito rin ay isang SIMULA. Simula ng isang panibagong HAMON. Sa kanila at sa atin. Dahil ang bawat baitiang ay isang hakbang
tungo sa pagkamit ng isang magandang BUKAS.
Muli,
isang magandang hapon po sa inyong lahat at pagpupugay sa lahat ng mga
estudyanteng magtatapos ngayong araw na ito.